Nananatiling kuntento ang mga mamamayan sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa September 24 to 27 SWS survey sa 1,200 respondents, 76 percent ng mga Filipino ang nagsabing ‘satisfied’ sila sa performance ng Pangulo, habang 11 percent ang ‘dissatisfied’ at 13 percent ang ‘undecided’.
Katumbas ito ng plus 64 percent na net satisfaction rating o “very good.”
Nakakuha naman ng “excellent” rating na plus 85 percent si Duterte sa Mindanao na kanyang balwarte at “very good” plus 62 sa Visayas at plus 58 sa Metro Manila, at plus 57 percent sa “Balance Luzon.”
Isinagawa ang survey sa gitna ng mga pahayag ni Duterte laban sa Amerika, United Nations, European Union maging kay Senador Leila de Lima at iba pang kritiko.
By Drew Nacino