Nanatiling mataas hanggang sa huling mga araw ng kanyang termino ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa pulso ng Pilipino Nationwide Survey, 82% ang satisfied o masaya sa pamamahala ni Pangulong Duterte habang 14% ang hindi satisfied o hindi masaya sa trabaho niya.
Isinagawa ng The Center ang survey mula Hunyo a-sais hanggang Hunyo a-kinse na mayroong 1,200 respondents nationwide.
Mababatid na magwawakas ang anim na taong termino ni Pangulong Duterte sa darating na Huwebes, June 30. 2022.
Samantala, kumpara sa mga nauna sa kanya si Pangulong Duterte ang tanging presidente na may pinakamataas na satisfaction rating hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.