Bumaba ng 9 na puntos ang satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay sa 3rd quarter ng taon.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS), good positive 33 ang satisfaction rating ni Binay mula July hanggang September.
Kumpara ito sa good positive 42 ratings ni Binay sa second quarter at good positive 31 rating sa first quarter.
Samantala, 13 points naman ang iniakyat ng satisfaction rating ni Senate President Franklin Drilon mula sa moderate positive 29 na rating sa second quarter at good positive 42 rating sa third quarter.
Apat na puntos naman ang ibinaba ng satisfaction rating ni House Speaker Feliciano Belmonte na nasa neutral positive 5 sa third quarter mula sa positive 9 noong second quarter.
Nabawasan naman ng pitong puntos ang satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos makakuha ng neutral positive 4 rating sa third quarter mula sa moderate positive 11 sa second quarter.
Ang nasabing survey ay isinagawa mula September 2 hanggang 5 sa 1,200 respondents sa buong bansa.
By Judith Larino