Halos sampung (10) porsyento ang ibinaba ng satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo.
Ayon sa SWS o Social Weather Stations, mula +37 good satisfaction rating ni Robredo, bumaba ito sa moderate +26 na lamang sa first quarter survey nila ngayong taon.
Ipinabatid ng SWS na limampu’t tatlong (53) porsyento ng respondents ang satisfied kay Robredo, 27% ang dissatisfied at 19% naman ang undecided.
Magugunitang si Robredo ay nahaharap sa impeachment complaint matapos lumabas ang isang video message nito kung saan ibinunyag ang aniya’y pang-aabuso ng mga pulis partikular ang ‘palit-ulo’ scheme at warrantless search sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Black propaganda
Samantala, hindi na ikinagulat ni Senador Bam Aquino ang pagbaba ng satisfaction ratings ni Vice President Leni Robredo sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Ayon kay Aquino, inaasahan na nila ito dahil sa mga ibinatong black propaganda laban kay Robredo.
Gayunman, iginiit ni Aquino na maliit na porsyento lamang ng mga respondent ang hindi kuntento habang marami pa rin ang sumusuporta sa Bise Presidente.
Si Aquino ay kapartido ni Robredo sa ilalim ng Liberal Party.
By Judith Larino | Meann Tanbio | with report from Cely Bueno (Patrol 19)
Satisfaction rating ni VP Robredo bumaba ng 10 porsyento was last modified: April 11th, 2017 by DWIZ 882