Pinangangambahang bumagsak ang satisfaction rating sa ‘war on drugs’ ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong ikatlong bahagi ng 2019.
Ayon kay Director General Aaron Aquino ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), posibleng hindi na umabot sa ‘excellent’ ang rating ng ‘war on drugs’ ng pangulo na tulad ng ‘excellent’ rating nito sa second quarter survey ng Social Weather Station (SWS).
Nakabatay anya ang kanyang pangamba sa eskandalo sa Bureau of Corrections (BuCor) kung saan patuloy pa ring namamayagpag sa kanilang operasyon ang mga drug lords kahit pa nakakulong.
Baka medyo bumaba dahil recently pumutok ‘yung problema ng kalakalan ng iligal na droga diyan sa Bureau of Correction, ‘yang GCTA na ‘yan, at iba pang mga issue na lumalabas lately, syempre magiging batayan din ‘yan ng next na rating kung tataas ba ito o bababa,” ani Aquino.
Aminado si Aquino na demoralisado ang ilan sa mga miyembro ng PDEA dahil sa eskandalo sa BuCor.
Binigyang diin ni Aquino na hindi naging madali para sa PDEA at iba pang law enforcers ang makapagpakulong ng drug lords pero pinalaya rin sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance.
Somehow, to be honest, nade-demoralized kami especially ‘yang sa Bureau of Correction issue na naman, sa hinaba-haba ng plano at operation na ginagawa namin para ipakulong itong drug lords na ito ay eventually nakakalaya, e, so inspite nung gravity of offense nung mga drug lord na ito, wala naman na kasing tataas pa sa drug lord, e, drug lord na ‘yan, e,” ani Aquino. — sa panayam ng Ratsada Balita