Nagbagsakan ang bilang ng mga Pilipinong kuntento sa pamamahala ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS, siyam (9) na puntos ang ibinagsak ng net satisfaction ratings ni Vice President Jejomar Binay mula positive 33 sa 3rd quarter sa positive 24 percent ngayong huling bahagi ng Disyembre.
Mula naman sa positive 42 percent sa third quarter ng taon, bumagsak ng 35 points o neutral positive 7 percent na lamang ang net satisfaction rating ni Senate President Franklin Drilon.
Tuluyan namang naging negative 1 ang net satisfaction rating ni House Speaker Feliciano Belmonte mula sa dating positive 5.
Samantala, mula naman sa positive 4 percent ay bumagsak ng limang puntos sa negative one ang net satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
By Len Aguirre