Nangangailangan ang Israel at Saudi Arabia ng mahigit 1,800 Filipino Workers sa Hospitality at Healthcare Industries.
Ayon sa Department of Migrant Workers, kailangan ng Israel ng 1,200 filipino housekeepers para sa hotels at hostels na may starting monthly salary na 5,300 new israeli shekels o P88,000.00.
Kabilang sa qualifications ang pagkakaroon ng National Certificate (NC) 2 sa housekeeping, 25-anyos pataas at naka-iintindi at nakapagsasalita ng Ingles.
Mahigit 600 nurses naman ang kailangan sa Saudi Arabia na mayroong starting salary na 4,000 riyals o P62,500.00.
Ilan sa mga kwalipikasyon ang pagkakaroon ng Bachelor’s Degree in Nursing, lisensya mula sa Professional Regulation Commission at isang taong experience matapos ang board examination.