Dapat mag-sorry ang Saudi Arabia sa malagim na stampede sa banal na lungsod ng Mecca sa Saudi arabia na ikinasawi ng mahigit 700 pilgrims.
Ito ang binigyang diin ni Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei sa gitna ng pagdadalamhati ng mga kapatid nating muslim sa sinapit ng mga biktima.
Sa kanyang website, iginiit ni Khamenei na sa halip na manisi at magtuturo ng kung sinu-sino ay dapat akuin na ng mga taga-Saudi ang responsibilidad at humingi ng paumanhin sa mga muslim at sa mga apektadong pamilya.
Dagdag pa ng supreme leader ng Iran, naniniwala silang mahigit 1,000 pilgrims ang nasawi sa naturang trahedya.
By: Jelbert Perdez