Inakusahan ni Hezbollah Leader Sayyed Hassan Nasrallah ang Saudi Arabia na nagdeklara umano ng giyera laban sa kanilang bansa na Lebanon.
Kasunod ito ng kanilang akusasyong ikinulong ng gobyerno ng Saudi Arabia si Lebanon Prime Minister Saad Al-Hariri matapos rin ito piliting magbitiw sa pwesto.
Ayon kay Nasrallah, tila nagiging balakid umano si Al-Hariri sa mga plano ng Saudi Arabia kaya pinagbitiw ito.
Kasabay nito inakuhan din ni Nasrallah ang Saudi Arabia na inutusan ang Israel na kalabanin ang Lebanon.
Ang grupong Hezbollah Shia Movement ay kaalyado ng Iran at nakikipagpalitan ng akusasyon sa Saudi arabia Dahilan ng paglalala ng tensyon sa pagitan ng Lebanon at ibang bansa sa rehiyon.
—-