Inakusahan ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif ang Saudi Arabia bilang “pinakamalaking” supporter ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS na naglunsad kamakailan ng pag-atake sa Tehran.
Ayon kay Zarif, mayroon silang “credible intelligence information” na aktibo ang Saudi Arabia sa pagpopondo sa operasyon ng ISIS sa silangang bahagi ng Baluchestan, Iran.
Ginagamit anya ng mga armadong grupo ang isang bahagi ng Baluchistan upang maglunsad ng mga pag-atake na humantong naman sa pagkamatay ng siyam (9) na Iranian border guards noong Abril.
Bagaman naglatag na ng mga aksyon ang Saudi government laban sa Islamic State, magkahalintulad naman ang Islamic ideology ng Saudi Arabia at ISIS na tinatawag na wahhabism o istriktong pagpapatupad ng mga batas ng Islam.
Magugunitang isiniwalat ng wikileaks ang classified memo ni dating US State Department Hillary Clinton noong August 2014 kung saan binanggit ng natalong presidential candidate na ang gobyerno ng Saudi at Qatar ang lihim na nagpopondo sa mga operasyon ng ISIS at iba pang radical Sunni Islamic groups sa Middle East.
By Drew Nacino
Saudi Arabia inakusahang pinakamalaking supporter ng ISIS was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882