Umani ng pagbatikos ang Saudi Arabia kasunod ng naging hatol ng korte na kamatayan para sa 5 akusado sa pamamaslang sa mamamahayag na si Jamal Khashoggi nuong 2018.
Tinawag na ‘mockery of justice’ ng mga international human rights groups ang naging desisyon na tila umano pagtatanggol ito kay Crown Prince Mohammed Bin Salman na pinaniniwalaang mastermind sa naging pagpatay.
Sinabi naman ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na maituturing na extrajudicial killing ang pag patay kay Khashoggi kung saan ito ay malaking responsibilidad ng Saudi.
Mula sa 31 mga suspek 11 sa mga ito ang kinasuhan at tatlo naman ang hinatulang makulong ng 24 taon.