Nangangailangan ng mahigit isang libong (1,000) Filipina nurse ang Saudi Arabia.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency o POEA, libre ang magiging aplikasyon nito sa kanila dahil government to government ang gagawing pagkuha sa mga nurse at hindi idadaan sa mga agency.
Aabot anila sa 4,000 riyal ang paunang sahod o katumbas ng mahigit limampung walong libong piso (P58,000) na maaari pang tumaas ng hanggang siyamnapung libong piso (P90,000).
Maliban sa suweldo, makakakuha rin ang mga nurse ng paid annual vacation leave na may libreng round trip plane ticket pauwi ng Pilipinas at libreng pagkain at tirahan.
Para makapag-apply, kailangan munang magparehistro online sa website ng POEA at dapat may Professional Regulation Commission (PRC) license, at dalawang taong karanasan sa pagtatrabaho bilang nurse.
—-