Pinutol na ng Saudi Arabia ang diplomatikong relasyon nito sa bansang Iran.
Ito ay sa gitna ng mga protestang natatanggap ng Saudi matapos ituloy ang pagbitay sa isang prominenteng Shia Muslim cleric.
Ayon kay Foreign Minister Adel Al-Jubier, dapat nanang lisanin ng lahat ng Iranian diplomats ang Saudi Arabia sa loob ng 48-oras.
Kasabay nito ay pinauuwi na rin ng Saudi ang kanilang diplomats sa Tehran, Iran.
Iginiit ni Jubeir na hindi nila maaaring isakripisyo ang seguridad ng kanilang bansa sabay ng akusasyong dawit sa mga aktibidad ng terorismo ang Iran.
By Ralph Obina