Balak ng Saudi Arabia na muling tumanggap ng aplikasyon para sa tourist visa sa unang bahagi ng 2021.
Ito ang inihayag ni Saudi Arabia Tourism Minister Ahmed Al-Khateeb, ilang buwan matapos itong kanselahin bilang bahagi ng hakbang ng kanilang gobyerno upang mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Al-Khateeb, nakasasalalay ang kanilang pasiya sa magiging positibong resulta ng dini-develop na mga bakuna kontra sa coronavirus.
Dagdag ng Saudi Arabian Official, bumaba ng 35% hanggang 45% ang kita ng kanilang bansa sa turismo dahil sa pandemiya.
Magugunitang, Setyembre noong nakaraang taon nang ilunsad ng Saudi Arabia ang kanilang tourist visa system para sa 49 na mga bansa pero sinuspinde ito noong Pebrero dahil sa COVID-19.