Papayagan na ng gobyerno ng Saudi Arabia ang nasa isang milyong muslim mula sa iba’t-ibang panig ng mundo para magsagawa ng Hajj sa banal na siyudad ng Mecca.
Ang Hajj ay isa sa limang pillars ng Islam kung saan maglalakbay ang lahat ng Muslim sa Grand Mosque Complex para mag-alay ng kanilang panalangin sa Kaaba o ang pinakabanal at sagradong monumento ng Islam.
Sa inilabas na pahayag ng Saudi Hajj Ministry, bunsod ito ng mas pinaluwag na pandemic restriction sa kanilang bansa.
Pero tanging ang mga fully vaccinated na Muslim lamang na may edad 65 pababa ang kanilang papayagan.
Habang ang mga manggagaling sa labas ng Saudi Arabia ay kinakailangang mag-apply ng Hajj visa kasama na ang negative RT-PCR test result na ginawa 72 oras bago ang pagbiyahe. — Sa panulat ni Abie Aliño