Nagpaabot ng pakikiramay ang Saudi Arabian Leaders kay Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
Ayon sa State Media ng Saudi Arabia, nakisimpatya sina King Salman at Crown Prince Mohammed Bin Salman Bin Abdulaiz Al Saud sa pangulo dahil sa sinapit ng mga residente sa Visayas at Mindanao.
Bukod sa Saudi, nakisimpatya rin si Chinese President Xi Jinping sa mga biktima ng naturang kalamidad na nawalan ng mg mahal sa buhay.
Ipinabatid ng Xinhua News Agency, nalungkot umano ang presidente ng China sa sinapit ng Pilipinas dahil sa hagupit ng naturang bagyo.
Matatandaang, nagbigay ng tulong ang bansa China sa mga nasalantang lugar ng kalamidad.