Bibisita sa Pilipinas si Saudi Arabian Minister of Human Resources and Social Development (MHRSD) Ahmad Bin Sulaiman Alrajhipara.
Ito’y upang mapag-usapan sa Bilateral Talks ang a-amyendahang Labor Agreement sa pagitan ng Saudi Arabia at Pilipinas, unpaid claims at iba pang mga proyekto gaya ng Special Hiring program para sa mga Skilled Filipino Workers at ang proseso ng Digitalisasyon ng DMW.
Bukod pa rito ay ang pagtalakay sa mga detalye ukol sa Bilateral Labor Agreements.