Nakatakdang magtaas ng presyo ng kanilang ibinebentang langis ang Saudi Aramco o Saudi Arabian Oil Company sa pambihirang pagkakataon.
Kasunod ito ng pangako ng Saudi Arabia na kanilang babawasan ang produksyon ng kanilang langis ng hanggang apat na porsyento.
Pagmamay-ari ng kaharian ng Saudi Arabia ang Saudi Aramco na pinagmumulan ng halos isandaang (100) porsyento ng ibinebenta nito sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Gayunman, inaasahan ng ilang eksperto na walang magiging epekto ang pagtaas ng presyo ng langis ng Saudi Aramco sa malawak na oil market dahil kalimitang nag-aadjust ito ng presyo depende sa market condition ng mga lugar na nagbebenta ng kanilang langis.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AFP / Getty Images