Bigo ang Saudi Arabia sa tangka nitong maging miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) para sa susunod na 3 taon.
Ngunit nakapasok naman ang China, Russia at Cuba dahilan para umalma ang ilang Human Rights Defenders.
Inilalarawan ng Human Rights Watch ang China at Saudi Arabia bilang 2 bansa na mayroong pinaka mapang-abusong gobyerno sa buong mundo.
Kaugnay nito, sinabi ng mga eksperto na tila kailangan nang i-reporma ang sistema ng UNHRC dahil sa kuwestiyonableng records ng mga bansang nahalal para maging kanilang miyembro.