Ibinunyag ng isang dating Saudi intelligence officer na nagpadala umano ng isang death squad si Crown Prince Mohammed bin Salman o MBS para itumba siya habang nasa Canada.
Ang pagbubunyag sa pamamagitan ng mga dokumento mula sa United States federal court ay ginawa ni Saad al-Jabri ilang araw matapos paslangin si Saudi journalist Jamal Khashoggi.
Giit ni Saad, nagpakawala si Prince Mohammed ng isang grupo ng mga hitman na binansagang “Tiger Squad” para iligpit siya.
Sinabi ni Saad na kaya siya ipinapapatay ay dahil sa koneksiyon niya sa US intelligence community at sa mga nalalaman niya sa mga aktibidades ng batang prinsipe.
Wala pang inilalabas na tugon ang kampo ng Crown Prince hinggil sa naturang isyu.