Inilagay na sa blacklist ng United Nations (UN) ang Saudi Arabia-led coalition dahil sa pagpatay ng maraming bata sa Yemen.
Ayon kay UN Secretary General Ban Ki-Moon, lumabag ang Saudi sa children’s rights sa panahon ng digmaan.
Batay sa datos ng UN, Saudi-led coalition ang responsable sa 60 porsyento ng pagkamatay at pagkasugat ng mga bata sa Yemen.
Katumbas ito ng 510 nasawi at 667 ang nasugatan.
Binigyang diin ni Ban na lalo lamang pinapalala ng Saudi ang sitwasyon sa Yemen sa pagdamay nito maging sa mga inosenteng bata.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP/File