Personal na bumisita sa Turkey si Saudi Crown Prince Mohammed Bin upang makipagpulong kay Turkish President Resep Tayip Erdogan.
Ito ang unang pagbisita ng prinsipe mula nang maganap ang pagpatay sa journalist na si Jamal kashogi sa konsulada ng Istanbul, Turkey noong 2018.
Nabatid naman na ang pagbisita ng saudi prince ay upang matulungan ang Turkey sa kanilang lumalalang krisis sa ekonomiya.
Nais ni Prince Mohammed na matapos na ang kaniyang international isolation at maibalik ang kapangyarihan sa regional countries kaya bumisita na ito sa mga bansang Egypt, Israel, at United Arab Emirates.