Nagpaabot ng pagbati si Saudi Prince Al-Waleed bin Talal Bin Abdulaziz al Saud kay pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay presidential communications secretary Sonny Coloma, hinangaan ni Al-Waleed ang achievements ng pangulong Aquino sa usapin ng economic growth sa loob ng anim na taong termino nito.
Sinabi ni Coloma na nagpapasalamat ang presidente sa suporta ng prinsipe ng kingdom of Saudi Arabia sa economic development ng bansa.
Si Al-Waleed ay kilalang business magnate at pang-apatnapu’t isa sa mga pinakamayaman sa buong mundo, base sa Forbes magazine.
By: MeAnn Tanbio