Nanawagan sa publiko ang motorcycle-hailing app na Angkas na tulungan sila upang maisalba ang kabuhayan ng tinatayang 17,000 drivers na inaasahang mawawalan ng trabaho makaraang tapyasan ng gobyerno ang bilang ng mga ito.
Sa harap ito ng ginawang pagbasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa petisyon ng Angkas na payagan silang magdagdag ng mas maraming drivers at sa halip ay nilimitahan sila sa 10,000 mula sa dating 27,000.
Ayon sa pinalabas na statement ng Angkas sa kanilang Facebook page, ang hakbang ng LTFRB ay malaking kompromiso sa kalidad ng serbisyong ibinibigay nila sa publiko at direktang dagok naman sa mga pamilya ng kanilang mga drivers.
Binigyang diin pa ng kompanya, mas higit na kailangan ngayon ng mga mananakay ang mga motorcycle taxis dahil sa kabi-kabilang traffic congestions na nararanasan ng mga ito sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.