Nabulabog ang ilang mga residente matapos matagpuan ang isang malaking sawa sa kanal sa Barangay Hulo, Mandaluyong City.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Fire (BFP) Officer 1 Nexus Burlaos, may haba na halos sampung talampakan ang burnese phyton na kanilang nahuli sa isang kanal sa Coronadal Street…
Matapos ding rumesponde ng mga tanod, agad namang dinala ang sawa sa barangay hall at pansamantalang isinilid sa dum.
Paalala naman ng BFP sa mga makakakita ng sawa sa kanilang lugar na itawag agad ito sa mga otoridad.
Samantala, sinabi ni Burlaos na kung maaari ay ‘wag saktan ang nahuling ahas upang mai-turn over sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).—sa panulat ni Airiam Sancho