Narekober ng mga otoridad ang isang python sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang naturang sawa ay nakatago sa isang rattan basket sa bodega ng Customs at naka-deklarang “wood curtains, lanterns at rattan basket”.
TINGNAN: Isang sawa, nasabat ng Customs sa NAIA (: Bureau of Customs) | via @ayayupangco1
Ayon sa mga otoridad, idineklara ito bilang ‘wood curtains, lanterns, rattan basket’ ng isang nagngangalang ‘Janrei Fernandez’ mula Sampaloc, Maynila at patungong New York, US. pic.twitter.com/ou251M9XJL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 11, 2020
Ang kargamento ay ipinadala ng isang Janrei Fernandez ng Sampaloc, Maynila na patungong New York, USA.
Ang sawa na nakita sa physical examination ay nai-turn over na sa Department of Environment and Natural Resources. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)