Sarado sa mga motorista simula ala-6 ng umaga sa Sabado, January 15 ang Southbound Lane ng Roxas Boulevard.
Ito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ay upang bigyang-daan ang rehabilitasyon ng lumang drainage structure sa tapat ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.
Humingi naman ng pang-unawa sa publiko si MMDA Chairman Benhur Abalos lalo’t tatagal ng 2 buwan ang rehabilitasyon na pangungunahan ng Department of Public Works and Highway.
Inabisuhan din ng MMDA ang mga motorista na daanan muna ang alternatibong ruta mula Bonifacio Drive dumaan sa Roxas Boulevard hanggang Buendia Avenue Service Road, kumanan sa Buendia Avenue Extension at kaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard;
Mula Bonifacio Drive kumanan sa H.K. Sun Plaza Access Road at kumaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard; mula naman sa Bonifacio Drive maaaring kumaliwa sa President Quirino Avenue patungong destinasyon.
Samantala, pinadaraan ang mabibigat na sasakyan, tulad ng mga 10 wheeler truck sa ibang ruta.