Isinara na simula 6 kaninang umaga ang bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard.
Ang pagsasara ay para irepair ang mahigit na 50 taon nang box culverts o daluyan ng tubig na nasa harap ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.
Ang apektadong bahagi ng Roxas Boulevard ay magsisimula sa harpa ng HK Sun Plaza sa Pasay City hanggang Edsa Roxas Boulevard fly over.
Sinabi ng DPWH na tatagal ng anim napung araw ang pagsasara at repair sa lugar.