Naglunsad ng bagong loan program ang Small Business Corporation (SBCORP) para sa mga negosyong naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ito ay ang Rise Up Program na tutulong sa mga maliliit ng negosyo sa bansa.
Maaaring mangutang nang hanggang 300,000 pesos ang mga micro entrepreneurs na babayaran sa loob ng tatlong taon.
Habang maglalaro naman sa limang milyon hanggang sampung milyong piso ang maaaring utangin ng small and medium businesses.