Inanunsyo ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 matapos makaranas ng pagtaas ng kaso ng virus sa loob ng halos isang buwan.
Ayon kay SBMA Chair at Administrator Wilma Eisma, na ang pagpapabuti ng sitwasyon ng COVID-19 ay dahil sa paggaling ng maraming pasyenteng nahawaan ng virus at sa patuloy na vaccination drives ng ahensya.
Samantala, sinabi ni eisma na mayroon pa ring dalawang aktibong kaso ng COVID-19 na parehong empleyado ng SBMA na kasalukuyang sumasailalim sa quarantine at treatment.
Tiniyak naman ni Eisma, na ipinagpapatuloy ng ahensya ang pagsunod sa mga health protocols dahil ito ang pinakatiyak na paraan para maiwasan ang virus. —sa panulat ni Kim Gomez