Bukas pa rin ang pinto ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makakuha ng dayuhang coach.
Ayon ito kay SBP Executive Director at Spokesperson Sonny Barrios bagama’t magpupulong pa sila ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes hinggil dito.
Binigyang diin ni Barrios na mahalaga ring magkaruon ng foreign coach para mapag-aralan din ang mga style at strategy ng laro mula sa ibang bansa.
Malaki aniyang tulong ito lalo na’t sasabak ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon.