Inanunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na ang beteranong coach na si Chot Reyes ang siyang papalit kay Tab Baldwin bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Ito’y matapos hilingin ni Baldwin kay SBP chairman Emeritus Manuel V. Pangilinan na ito’y bababa na sa puwesto.
Ayon sa SBP, sinabi ni Baldwin na nais na lamang nito ituon kanyang pagiging coach sa Ateneo De Manila University basketball team na siyang nagdala sa koponan na maging kampeon sa UAAP mula 2017 hanggang 2019.
Ipinabatid pa ng SBP na dahil sa pandemya ay nagpatong patong na ang schedules ng UAAP at ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa FIBA world cup 2023 qualifiers.
Matatandaang naging coach si Reyes noong magwagi ang gilas Pilipinas ng silver medal sa 2013 fiba asia championship at ilang medalya sa William Jones Cup.
Magiging host kasi ang Pilipinas kasama ang japan at Indonesia sa FIBA World Cup 2023.