Minomonitor ngayon ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa bilang paghahanda sa nalalapit na 2023 World Asian Qualifiers sa darating na February 24, 2022.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos maitala ang mahigit 26,000 mga bagong kaso ng nasabing virus.
Nabatid na ang naturang event ay lalahukan ng group a na kinabibilangan ng South Korea, New Zealand, India at Philippines sa isang bubble set-up na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay SBP Assistan Ryan Gregorio, anuman ang maging restriksiyon o desisyon ng national government sa pagsasagawa ng international sporting events ay kanilang susundin.
Matatandaang una nang naantala ang nasabing aktibidad noong Nobyembre 2021 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahilan kaya inilipat ito sa Pebrero ngayong taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero