Target na ma-break ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang attendance records sa pagho-host ng bansa sa FIBA World Cup of Basketball sa unang pagkakataon sa loob ng nakalipas na 45 taon.
Una nang inihayag na ang Pilipinas ang magiging host sa karamihan ng laro, kabilang na ang final phase ng tournament na gagawin sa 55 thousand-seater Philippine Arena, na kaparehong venue kung saan nagtakda ng attendance record ang Philippine Basketball Association (PBA).
Matatandaan na sa game 7 ng 2017 Governor’s Cup finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco naipwesto ang record para sa maraming bilang ng mga nanunuod sa pba game sa 54,086 fans.
Samantala, ayon sa liga mahigit 36 na libo ang kanilang target na audience attendance sa FIBA game na gaganapin mula August 25, 2023 hanggang September 10, 2023.