Nanawagan si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza sa administrasyon na maglatag ng aksyon kaugnay sa Maritime Entitlement ng Pilipinas
Ito’y makaraang pumabor sa Pilipinas ang desisyon ng International Arbitral Tribunal hinggil sa Diplomatic Protest laban sa China sa usapin ng Territorial Dispute sa West Philippine Sea
Si Jardeleza, kasama si dating Solicitor General Florin Hilbay ang ilan sa mga nagsulong at dumipensa para sa panig ng Pilipinas habang dinirinig ang kaso sa Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands
Bagama’t hindi kinikilala ng China ang nasabing desisyon, iginiit ni Jardeleza na mareresolba lamang ang tensyon sa pagitan ng mga bansang umaangkin sa nasabing karagatan sa pamamagitan ng diplomatikong pakikipag-ugnayan
By: Jaymark Dagala