Nakahanda na ang gymnasium ng Korte Suprema na gagamiting venue sa isasagawang manual recount kaugnay sa election protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Nakalatag na ang gagamiting 40 lamesa at naroon na rin ang mahigit isang libong ballot boxes mula sa Camarines Sur, ang isa sa mga lalawigan kung saan umano nagkaroon ng iregularidad sa halalan.
Samantala , hindi pa dinala duon ang mga balota mula sa Iloilo at Negros Oriental dahil hindi na umano ito kasya sa venue.
Uumpisahan ang “manual recount” sa darating na Lunes o sa April 2.