Humarap na sa impeachment hearing ng House Committee on Justice si Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita De Castro.
Sa kanyang testimonya, kinumpirma ni De Castro ang mga aniya’y kuwestyonableng mga desisyon ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Partikular na tinutukan ni De Castro ang aniya’y pagbuo ni Sereno sa Judiciary Decentralized Office o JDO sa 7th Judicial Region sa pamamagitan ng isang Administrative Order.
Ayon kay De Castro, bukod sa walang kapangyarihan ang Chief Justice na bumuo ng isang hiwalay na tanggapan, taliwas din ito sa napagkasunduan sa Supreme Court En Banc na pagbuo ng Regional Court Administrative Office o RCAO sa Region 7.
The Chief Justice cannot create an office because it is a legislative power.
So, what she did is to… it appears that she created a permanent office. The RCAO is not a permanent office so even if it was created by the court, it is a pilot project.
Lumalabas din na nagsinungaling si Sereno sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay De Castro, tinalakay nila sa Supreme Court En Banc ang hinggil sa pagbuo sa JDO matapos siyang sumulat ng memorandum.
Malinaw aniya ang naging pahayag ni Sereno sa En Banc na aamyendahan niya ang kanyang Administrative Order subalit hindi ito nangyari.
Ganito ho ‘yung conversation namin, pwede bang makahingi ng resolution ‘yung tungkol doon sa RCAO na pinag – decide namin noong… noong nakaraang Tuesday. Sabi ni Chief babaguhin niya ‘yung administrative order niya eh. I want to see how it was done.
Ho? Sabi niya. Sabi niya [Chief Justice] ni – ratify niyo daw eh.
Si clerk – of – court Enriqueta Vidal, retired na po pero siya po ‘yung kausap ko.
Dahil dito, sinabi ni De Castro na muli siyang gumawa ng memorandum upang kuwestyonin si Sereno kung bakit hindi ito sumunod sa napag – usapan sa En Banc subalit hindi na sumagot ang Chief Justice.
Bunga aniya ng kanyang memorandum ay nagkasundo ang mga mahistrado sa En Banc na bumuo ng study committee para pag – aralan pa ang pagbuo ng RCAO – 7 at pawalang bisa ang lahat ng nauna nang resolusyon at administrative order patungkol dito.
The court didn’t want to embarrass the Chief and on my part, I’m not after putting her down, I just want to correct what has been done. To put things in a proper order as decide by the court in the previous resolution.