Nagretiro na si Supreme Court Associate Justice Jose Catral Mendoza matapos sumapit ang kanyang ika-70 kaarawan kahapon.
Si Mendoza ang sumulat ng SC ruling noong Abril 2014 kung saan pinagtibay nito ang mga probisyon sa ilalim ng Republic Act Number 10354 o “Responsible Parenthood and Reproductive Health Act”.
Bago ito, unang nagsilbi si Mendoza bilang legal officer sa Philippine Banking Corporation, Manila Electric Company at Gokongwei Group of Companies.
Nanungkulan din si Mendoza bilang research attorney sa Court of Appeals noong 1977 bago na-promote bilang hukom at kalaunan ay naging CA Justice.
Samantala, inaasahang papangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-apat niyang appointee sa Korte Suprema.
Kasunod na rin ito ng pagreretiro ni sc Associate Justice Jose Mendoza.
Kabilang sa shorlist sina Court of Appeals Justice Ramon Paul Hernando, Judicial and Bar Council CA Associate Justices Jaapar Dimaampao, Jose Reyes, Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang at Amy Lazaro Javier, at Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo.
Mayroong 90-araw ang Presidente para pumili ng kapalit ni Mendoza sa kataas-taasang hukuman.
By Meann Tanbio