Nag-retiro na si Supreme Court Associate Justice Noel Tijam kasabay ng mandatory retirement age nitong pitumpu ngayong araw.
Kahapon ay nagpaalam na si Tijam sa kanyang mga kapwa mahistrado at empleyado sa Korte Suprema.
Pinuri naman ni Chief Justice Lucas Bersamin si Tijam lalo sa halos dalawampu’t limang taon nitong dedikasyon sa trabaho sa hudikatura.
Tumanggap din ang nagretirong mahistrado ng ilang token of appreciation bilang parangal gaya ng replica ng official seal, judicial robes, Supreme Court ring at Chief Justice Jose Abad Santos award.
Nakatakda namang magbigay ng kanyang talumpati si Tijam sa Supreme Court employees sa kahuli-hulihang pagkakataon sa flag ceremony sa lunes, Enero 7.
Marso 8, 2017 nang italaga si Tijam bilang mahistrado ng high court kapalit nang nagretirong si Arturo Brion.
Today is the 70th birthday of Supreme Court Associate Justice Noel Gimenez Tijam, the Court’s 176th Member. Happy birthday, Your Honor! pic.twitter.com/ec6cCXLuZX
— Supreme Court PIO (@SCPh_PIO) January 5, 2019