Binalaan ng Supreme Court (SC) ang publiko laban sa nagpapanggap na Chief Justice Alexander Gesmundo.
Inihayag ng korte suprema na ginagamit lamang ng taong nasa likod ng cellphone number na 0955-207-30-94 ang pangalan ng punong mahistrado.
Pinayuhan din ng SC ang publiko na huwag pansinin ang mga mensahe mula sa naturang number upang maiwasang ma-goyo.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang kataas-taasang hukuman sa mga law enforcment agency upang mag-imbestiga. – sa panulat ni Hannah Oledan