Bukas ang Korte Suprema na tumanggap ng mga petisyon ukol sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, nakadepende sa magiging takbo ng talakayan hinggil sa nasabing batas ang desisyon kung ito ay premature o hindi justifiable.
Handa naman aniyang tanggapin ng Supreme Court sakaling lumabas na justifiable ang nasabing batas.
Una rito, naging kontrobersyal ang GCTA matapos malantad na maagang napalaya ng Bureau of Correction ang kabuuang 22,049 na bilanggo kung saan 1,914 rito ang sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.