Mariing kinondena ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang nangyaring pagpatay kay retired Court of Appeals Justice Normandie Pizarro.
Sa kanyang ipinalabas na pahayag, sinabi ni Peralta na kailanman ay hindi kinukunsinte ng umiiral na batas sa Pilipinas ang pagpatay sa sinuman.
Kaugnay nito, hinimok ni Peralta ang mga law enforcement agencies na puspusang imbestigahan ang insidente para agad na madakip ang mga salarin sa brutal na pagpatay kay Pizarro at mabigyan ito ng hustisya.
Nagpaabot na rin ng taos-pusong pakikiramay si Peralta sa pamilya ni Pizarro.
Una rito, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na kay Pizarro ang bangkay na natagpuan ng mga awtoridad sa Capas, Tarlac, batay na rin sa isinagawang DNA tests.
BASAHIN: Pahayag ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta hinggil sa nangyaring pagpatay kay retired Justice Normandie Pizarro https://t.co/HHOy7zaafm https://t.co/5KYODvDezV pic.twitter.com/q59nxXYtsm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 22, 2020