Iginagalang ng Malakanyang ang kautusan ng Korte Suprema na nagpalawig ng 90 araw sa pagpapatigil ng pagdinig sa kasong anomalya sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) laban kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, may orihinal na proseso sa ilalim ng batas at ang Korte Suprema ang magpapasya sa nabanggit na usapin.
Matatandaang pinalawig pa ng mataas na hukuman ang status quo ante order laban sa pagdinig sa kasong plunder ni Arroyo matapos itong mapaso noong Biyernes.
Ang panibagong order ng korte ay magiging epektibo hanggang Pebrero sa susunod na taon.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)