Idinepensa ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang naging desisyon ng Korte Suprema na nag-oobliga sa Commission on Elections (COMELEC) na mag-isyu ng resibo sa darating na halalan.
Ayon kay Sereno, ibinatay lamang ng mga mahistrado ang kanilang unanimous decision sa Automated Election Law.
Pinaalalahanan din ni Sereno ang COMELEC na kung balak nitong maghain ng motion for reconsideration ay gawin na agad ito at huwag nang magpatumpik-tumpik pa upang hindi ito magahol sa oras.
Pinasaringan pa ng Punong Mahistrado ang poll body na kung may panahon ito na magpa-presscon ay dapat paglaanan din ng panahon ng mga COMELEC official ang pagsagot sa kautusan ng kataas-taasang hukuman.
By Jelbert Perdez | Bert Mozo (Patrol 3)