Hinimok ng Supreme Court Employees Association o SCEA ang kanilang mga miyembro na magsuot ng kulay pula bukas bilang suporta sa pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa SCEA, ihahayag nila ang pagkilala sa ilang mahistrado at muling ipakikita ang nagkakaisa nilang hangarin sa mas malaya at iisang Korte Suprema.
Magugunitang naglunsad ng Black Friday protest noong Mayo 18 sa harap ng tanggapan ng Supreme Court sa Padre Faura Street, sa Ermita, Maynila ang mga tumututol naman sa pagpapatalsik kay Sereno bilang Punong Mahistrado.
Kahapon ay muling nagpakita sa publiko sa Sereno sa isang forum sa University of the Philippines-Diliman kaugnay sa martial law pero hindi na ito nagtalumpati at nagpaunlak ng panayam.