Pinagtibay na ng Korte Suprema ang legalidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Kaugnay ng nasabing desisyon ng kataas-taasang hukuman, ibinasura nito ang mga Motion For Reconsideration na isinampa ng mga dating Senador na sina Rene Saguisag at Wigberto Tañada, at ng militanteng grupo na bayan.
Sa botong 10- 4 -1 , sinabi ng Korte Suprema na isang Executive Agreement ang EDCA na sang-ayon sa konstitusyon.
Ngunit matatandaang idinepensa ng mga petitioner na konstitusyon mismo ang nagsasabing hindi dapat pahintulutan sa bansa ang mga dayuhang base militar.
By: Avee Divierte