Pinagtibay ng Supreme Court ang una nitong desisyon na payagang makatakbo si Senator Grace Poe sa pagka-pangulo ngayong eleksyon.
Kanina, opisyal nang inilabas ng SC ang desisyon nitong ibasura ang lahat ng motion for reconsideration na isinampa laban kay Poe.
Sa boto pa ring 9-6, sinabi ng Korte Suprema na wala namang naipresentang mahahalagang argumento ang mga naghain ng mosyon para balikatrin ng mga mahistrado ang kanilang unang desisyon.
Sa ngayon, hindi na tatanggap pa ang SC ng anumang motion for reconsideration sa isinalabas nilang desisyon.
Ang siyam na mga mahistrado na bumoto pabor kay Poe ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Presbiterio Velasco, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Jose Perez, Jose Mendoza, Marvic Leonen, Francis Jardeleza at Alfredo Benjamin Caguioa.
Bumoto naman laban kay Poe, sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe at Bienvenido Reyes.
By Jonathan Andal | Bert Mozo (Patrol 3)