Nakasalalay na sa Korte Suprema kung makakatakbo sa presidential election sa susunod na taon si Senador Grace Poe matapos idiskuwalipika ng First Division ng Commission on Elections (COMELEC) ayon kay Senator Chiz Escudero.
Nauna ng kinansela ng Second Division ang certificate of candidacy (COC) ni Poe.
Samantala, itutuloy pa rin ni Poe ang kanyang kandidatura sa kabila ng desisyon ng 2 division ng COMELEC na bawiin ang kanyang COC.
Ayon kay Poe nananatili siyang isang kandidato sa pagka-pangulo hangga’t walang ipinalalabas na desisyon ang Supreme Court.
Iginiit ni Poe na tunay siyang Pilipino at nais nilang maglingkod sa kanyang mga kapwa Pilipino.
***
Kaugnay nito, agad na maghahain ng motion for reconsideration sa COMELEC En Banc ang kampo ni Senadora Grace Poe.
Ito’y matapos itong i-disqualify ng unang dibisyon ng poll body sa pamamagitan ng pagkansela sa kanyang certificate of candidacy o COC.
Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Poe, tuloy pa rin ang pagtakbo ng senadora sa 2016 presidential elections.
Giit ni Garcia, hangga’t walang pinal na desisyon ang Korte Suprema ay mananatili ang pangalan ni Poe sa balota.
By Mariboy Ysibido | Jelbert Perdez