Ibinasura ng Supreme Court En Banc ang inihaing petisyon ni Atty. Larry Gadon laban sa ipinalabas na resolusyon ng Kongreso.
Kaugnay ito ng kautusan sa National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN para makapagpatuloy ng operasyon matapos mapaso ang prangkisa nito.
Ito ay bagama’t una na ring naghain ng withdrawla si Gadon dahil sa maituturing na rin aniyang moot and academic ito kasunod ng pag-shutdown ng ABS-CBN.
Batay sa desisyon ng Korte Suprema na ipinonente ni Associate Justice Marvic Leonen, walang legal standing ang inihaing petisyon ni Gadon.
Nabigo rin aniyang sumunod ni Gadon sa mga kinakailangang rekisito para sa isang judicial review.
Unanimous ang naging pasiya nag Korte Suprema habang hindi na rin pinagkokomento si Gadon hinggil sa naturang desisyon.