Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) laban sa paghingi ng mga ospital ng kinakailangang deposito o paunang bayad bago lunasan ang pasyente.
Dinespatsa ng Korte Suprema ang Republic Act No. 10932 na nagpapatibay sa Anti-Hospital Deposit Law dahil bigo umano ang PHAPI na matugunan ang mga ligal na dokumentong kailangan para ipagpatuloy ang pagsusuri nito.
Iprinoklama ang naturang desisyon noong ika-anim ng Disyembre at natanggap sa public information office ng Korte Suprema noong ikalabing-walo ng Disyembre.